Japan, sinuspinde ang paggamit ng 1.63-M ng bakunang Moderna

Japan, sinuspinde ang paggamit ng 1.63-M ng bakunang Moderna

PINAHINTO ng bansang  Japan ang paggamit ng mahigit sa 1.63-M ng bakunang Moderna dahil sa kontaminasyon.

Inihayag ng Health Ministry ng Japan noong Huwebes na mayroong mga foreign contaminant na natagpuan sa mga hindi pa nagamit na doses ng bakunang Moderna Inc., at ang paggamit ng halos 1.63-M doses mula sa parehong linya ng produksyon ay sinuspinde bilang pag-iingat.

Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan, hindi bababa sa 180,000 mga potensyal na  bakuna na mayroong ganitong contaminant ang naibigay na sa labing-siyam ng apatnapu’t pitong prefecture ng bansa, kabilang na ang Tokyo at Osaka.

Kaugnay nito, ang parehong Moderna at Japanese Drugmaker Takeda Pharmaceutical Company (DTPC) na siyang namamahala sa pagbebenta at pamamahagi ng bakuna sa bansa ang nagsabing wala silang natanggap na ulat tungkol sa mga isyu na ito.

Ayon sa Health, Labor and Welfare Ministry, ang 1.63-M doses ng bakunang Moderna na naipamahagi sa 863 na vaccination centers ay ginawa sa parehong linya ng produksyon sa parehong oras sa Espanya, at napabilang sa ilalim ng tatlong lot numbers na – 3004667, 3004734 at 3004956.

Samantala, mahigit 9,100 katao ang maaaring nakatanggap ng mga kontaminadong shots sa dalawang vaccination sites sa Tokyo, habang sa Osaka naman ay mayroong halos 5,000, sa Hyogo 41,500, at sa Aichi 28,000 na mga shot.

SMNI NEWS