Japan, tiniyak ang suporta sa militar sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Mindanao

Japan, tiniyak ang suporta sa militar sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Mindanao

TINIYAK ng Japan ang kanilang suporta sa AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.

Ito ay kasunod ng pulong nina Japanese Consul General Ishikawa Yoshihisa at AFP WestMinCom Commander Lieutenant General Roy Galido sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City.

Sa bahagi ni Galido, siniguro niya ang ligtas na pananatili ni Yoshihisa habang nasa Zamboanga City.

Nabatid na bumisita sa lungsod ang Japanese delegation para makipag-ugnayan sa Japanese descendants sa Zamboanga Peninsula.

Mainit silang tinanggap ng Chief of Unified Command Staff, at iba pang matataas na opisyal ng WestMinCom.

Follow SMNI NEWS in Twitter