Japanese anime Director Hayao Miyazaki, maglalabas ng bagong film sa susunod na taon

Japanese anime Director Hayao Miyazaki, maglalabas ng bagong film sa susunod na taon

MAGLALABAS ng bagong animation film ang Oscar winning at kilalang Japanese director na si Hayao Miyazaki at pamamagatan ito ng “Kimitachi Wa Do Ikiru Ka” o “How Do You Live” sa Hulyo sa susunod na taon.

Ang pelikula ay unang ipapalabas sa Hulyo 14, na kauna-unahang movie na ilalabas ni Miyazaki matapos ang 10 taon.

Ang huli nitong inilabas ay “Kaze Tachinu” o “The Wind Rises” noong 2013.

Kinuha ang pamagat ng palabas na ito mula sa 1937 bestseller book na sinulat ni Genzaburo Yoshino, isang editor at writer ng children’s literature sa Japan pero ang kalalabasan ng pelikula ay orihinal na storyline ni Miyazaki ayon sa Studio Ghibli Inc.

Ang poster para sa movie ay inilabas noong Martes kung saan makikita ang isang ibon na mayroong asul at puting balahibo na iginuhit ni Miyazaki.

Matatandaan na sikat ang mga anime film na ginawa ni Hayao Miyazaki kabilang na nga ang “Spirited Away” na nanalo sa Berlin International Film Festival Golden Bear Ward noong 2002 at American Academy Award for Animated Feature Film noong 2003.

Kabilang sa ibang mga gawa ni Myazaki ang 1988 classic na “My Neighbor Totoro, Princess Mononoke” taong 1997 at “Nausicaa of the Valley of the Wind” noong 1984.

Follow SMNI NEWS in Twitter