Japanese astronaut, magiging parte ng moon-orbiting space station

Japanese astronaut, magiging parte ng moon-orbiting space station

ISANG Japanese astronaut ang magiging parte ng moon-orbiting space station.

Pumirma ng kasunduan ang Estados Unidos at Japan para magpadala ng Japanese astronaut sa Gateway, isang lunar-orbiting space station na itatayo sa ilalim ng pamumuno ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).

Ang hakbang na ito ay kapalit ng pagbibigay ng bansa ng logistic transport at iba pang suporta sa misyon.

Ang Japanese astronaut na ilalagay sa space station ay hindi naman maglalanding sa buwan.

Matatandaan na ang Gateway ay parte ng Artemis program ng NASA, isang multilateral project na orihinal na nakalaan para magbalik ng mga tao sa buwan sa taong 2024.

Pero ang target date na ito para sa lunar landing ay na-delay kung saan umaasa ang NASA na matutuloy ito sa 2025.

Si Keiko Nagaoka, minister of education, culture, sports, science and technology ng Japan at Bill Nelson, NASA administrator ang pumirma ng kasunduan sa isang online meeting.

Follow SMNI NEWS in Twitter