TUMAOB ang isang Japanese fishing boat matapos sumalpok sa isang 662-toneladang barko ng Russia sa Hokkaido nito lamang umaga ng Miyerkules, kung saan tatlong tauhan ang nasawi, ayon sa isang lokal na awtoridad.
Ang limang miyembro ng Japanese fishing boat na Hoko Maru No. 8 na kabilang sa isang kooperatiba ng pangisdaan na nakabase sa Monbetsu, Hokkaido ay nanghuhuli ng alimango nang maganap ang banggaan dakong alas-6 ng umaga, ayon sa Japan Coast Guard.
Isa sa dalawang miyembro ng tauhan ay nailigtas nang buhay.
Ang tatlong namatay ay sina Masayoshi Numahata, isang 64-taong-gulang na chief engineer, Shunsuke Konno, 39, at Masatoshi Inoue, 37, na kapwa mga deckhands, ayon sa coast guard at local rescue workers.
Ang Russian vessel Amur ay may 23 na miyembro na nagkakarga ng seafood sa Mombetsu mula sa Sakhalin sa Malayong Silangan ng Russia.
Ang limang kalalakihan, tatlo sa kanila ay hindi na nakitaan ng vital signs at kinuha sila mula sa dagat ng Amur at pagkatapos ay binalik ng coast guard sa pinanggalingang port, halos 23 kilometro ang layo mula sa lugar ng aksidente, dakong alas-10 ng umaga ang tatlo sa kanila ay naiuwi nang wala ng buhay.
Ayon sa local meteorological observatory na nag-issue ng advisory sa karagatan ng Mombetsu Port na mayroong makapal na fog sa araw na iyon.
Dagdag din ng coast guard na ang Hoko Maru crew ay hindi nagawang maigalaw ang kanilang barko matapos mabangga sa Russian vessel habang nanghuhuli ng alimango.