INANUNSYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang opisyal na pagbisita Ni Japanese Foreign Affairs Minister Iwaya Takeshi sa Pilipinas mula Enero katorse hanggang a-kinse.
Sinabi ng DFA ang opisyal na pagbisita ng Japanese Foreign Minister ay kasunod sa imbitasyon ni Secretary for Foreign Affairs Enrique Manalo.
Magsasagawa sina secretary manalo at iwaya ng isang bilateral meeting upang talakayin ang pulitika, depensa, seguridad, pang-ekonomiyang kooperasyon at pag-unlad, at iba pang mga bagay na may kinalaman sa parehong bansa.
Magpapalitan din sila ng mga pananaw hinggil sa mga pangyayari sa rehiyon at sa buong mundo, sa gitna ng lumalalang seguridad sa rehiyon.
Inaasahang muling pagtitibayin ng dalawang opisyal ang kanilang pangako sa pagpapalakas ng “strengthened strategic partnership” sa pagitan ng dalawang bansa at pag-angkin ng mga bagong oportunidad para sa kooperasyon.