BUMISITA kay Ukrainian President Zelensky ang prime minister ng Japan.
Base sa inilabas na pahayag ng Japan Ministry of Foreign Affairs ang pagbisita ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Ukraine ay imbitasyon mismo ni Ukrainian President Zelensky.
Ito umano ang kauna-unahang pagbisita ng isang Japanese Prime Minister sa isang bansa na mayroong nagpapatuloy na giyera simula noong World War 2.
Pinaniniwalaan din na ang pagbisita ng Japanese Prime Minister sa Ukraine ay para makapagbigay ito ng tulong partikular na sa Kyiv.
Sa pagbisita ni Kishida sa Ukraine, nagpahayag ito na buo ang suporta at tulong na ibibigay nito sa bansa, at kinukondena nito ang ginagawang military operation ng Russia.
Matatandaan buwan ng Pebrero ngayong taon ay naglaan ng $5.5 bilyon na humanitarian aid ang pamahalaan ng Japan sa bansang Ukraine.