Japanese police, tutulong sa Ukrainian police na kilalanin ang namatay sa digmaan

Japanese police, tutulong sa Ukrainian police na kilalanin ang namatay sa digmaan

TUTULONG ang Japanese police sa Ukrainian counterparts nito na kilalanin ang napakaraming bilang ng bangkay na nasawi sa digmaan.

Nag-alok ng tulong ang Japanese police para sa Ukrainian police sa unang pagkakataon mula ng digmaan noong 2022 sa pagitan ng Russia at Ukraine.

10 Senior Official mula sa Forensic Department ng Ukraine National Police Service ang inaasahang darating sa Japan sa Hulyo 10 para sa ilang araw na pagbisita.

Ayon sa Ukraine, mayroong 10-K mga hindi pa nakikilalang bangkay sa kanilang bansa.

Ang training program ay kasunod ng pag-contact ng Kyiv sa Japanese Embassy sa Ukraine sa pamamagitan ng UN Development program na humihiling sa Japanese professionals na ituro ang kanilang kaalaman sa pagkilala sa maraming bangkay.

Matatandaan na noong 2011 earthquake disaster ay nagkaroon ng experience ang mga Japanese na kumilala ng napakaraming bangkay.

Sa kanilang pananatili sa Japan, ang mga Ukrainian official ay bibisita sa National Research Institute of Police Science, Fukushima Prefecturak Police at Azabu Station ng Tokyo Metropolitan Police Department.

Follow SMNI NEWS in Twitter