UMALIS noong Lunes si Japanese Prime Minister Fumio Kishida patungong Amerika upang ipagpatuloy ang malalim na ugnayan ng Japan at Esatdos Unidos.
Sa kanyang pagbisita sa bansa ay makikipagpulong siya kay US President Joe Biden kasama ang pinuno ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr.
Bago ang paglalakbay ni Kishida, ay sinabi niya sa mga mamamahayag na ang kahalagahan ng alyansa ng Japan at US ay tumitibay habang ang pandaigdigang seguridad ng kapaligiran ay lumalala.
Dagdag pa niya, ang dalawang bansa umano ay nangunguna sa malawak na hanay ng mga isyu sa international community kaya ang kanyang pagbisita ay magiging napakahalagang pagkakataon upang maiparating sa Amerika kung gaano katibay ang relasyon ng dalawang bansa.
Ayon kay Kishida, sa kanyang pagharap sa Kongreso ay maghahatid siya ng isang talumpati na may matatag na pagtingin sa hinaharap at kung anong uri ng lipunan ang layon ng Japan at Amerika at kung ano ang kailangan nilang gawin upang maisakatuparan ito.
Aniya, ang trilateral summit na gaganapin nila ay ang kooperasyon ng tatlong bansa at ito ay napakahalaga umano para sa kapayapaan at katatagan ng buong rehiyon ng Indo-Pacipiko.