NAGBITIW bilang pangulo ng Liberal Democratic Party (LDP) si Japan’s Prime Minister Fumio Kishida.
At dahil dito magtatalaga ng bagong prime minister ang bansang Japan.
Inaasahang bababa si Kishida sa puwesto kung may papalit na sa kaniya.
Nanungkulan si Fumio bilang prime minister mula 2021 kung saan bumagsak ang kaniyang approval rating sa 15.5% noong nakaraang buwan.
Nagpaalala rin si Kishida sa publiko na sa darating na eleksiyon, asahan ng publiko na mayroong pagbabago sa nasabing partido.