Jaren Jackson Jr. posibleng pumirma ng 5-year $240M deal sa Grizzlies

Jaren Jackson Jr. posibleng pumirma ng 5-year $240M deal sa Grizzlies

INAASAHANG magkasundo ang Memphis Grizzlies at si All-Star Jaren Jackson Jr. sa isang 5-year contract na nagkakahalaga ng 240 million dollars.

Ang bagong kontrata ay magdadagdag ng apat na taon sa kasalukuyang kontrata ni Jackson na magtatapos sana sa 2025-2026 season.

Si Jackson ay isa sa pinakamahusay na big man sa NBA matapos niyang makamit ang 1,500 career points at 100 blocks noong nakaraang season.

Nakapagtala rin siya ng kanyang ika-apat na sunod na season na may hindi bababa sa 100 3-points at 100 blocks.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble