EXCITED man sa posibilidad na makakalaban ang Pinoy mixed martial artist na si Joshua Pacio ay sinabi ni Jarred Brooks ng Estados Unidos na nais niyang makalaban muna ang kapwa Amerikanong si Demetrious Johnson.
Ayon kay Brooks, isa sa tinaguriang “influencer” niya sa kaniyang career si Johnson kung kaya’t karangalan ang makalaban ito.
Tiniyak nito na kahit iniidolo niya si Johnson ay handa pa rin siyang talunin ito sa ring.
Matatandaang nais ni Brooks na makalaban muli ang Pinoy na si Pacio.
Sa post ni Brooks sa social media, nais niyang mangyari ang rematch sa lalong madaling panahon.
Nagkalaban na si Brooks at Pacio noong Disyembre 2022 at doon ay natalo ng Amerikano ang Pinoy mixed martial artist.
Sinabi naman ni ONE Chairman at CEO Chatri Sityodtong, posible ngang mangyayari ang rematch ngayong taon at sa Tokyo ito gaganapin.