Jay R, kinansela ang ‘Soul Brothers’ concert nito sa San Francisco matapos na magpositibo sa COVID-19

Jay R, kinansela ang ‘Soul Brothers’ concert nito sa San Francisco matapos na magpositibo sa COVID-19

KINANSELA na ni Jay R at Kris Lawrence ang “Soul Brothers” concert nito sa Fort Mckinley San Francisco ngayong Sabado.

Hindi na matutuloy ang concert ng dalawang singer matapos na magpositibo si Jay R sa COVID-19.

Ngayong umaga lamang nang ianunsyo ni Jay R sa kanyang Instagram account na malungkot nilang kakanselahin ang kanilang concert at humihingi ito ng tawad sa lahat ng fans na nakabili na ng tickets.

Sinabi rin nito na ang lahat ng tickets ay agad na maire-refund.

Base rin sa mga social media updates ng R&B singer, naging successful ang show nila ni Lawrence sa Las Vegas at Los Angeles.

Matatandaan na noong nakaraang Marso rin nang nag-perform si Jay R sa isang NBA game at kinanta nito ang US National Anthem na “Star Spangled Banner”.

 

 

Follow SMNI News on Twitter