AYON kay Jay Sonza, mahalaga na tanggapin ng presidente ang mga problema ng bansa tulad ng mataas na bilihin at kuryente, upang makahanap ng mga solusyon at hindi lamang balewalain ito bilang “noise.”
“Maraming nagugutom, mahal ang bigas, mahal ang karne, ang taas ng bilihin, tumataas ang kuryente, ang internet, lahat. Pero ang maririnig mo sa presidente, ‘It’s just noise’.”
“Naalala ko tinuturo ni Pastor Quiboloy noon, ang palagi niyang sinasabi, mabibigyan mo lang ng solusyon ang isang problema kapagka tinanggap mo na may problema, ‘pag inako mo. ‘Pag sinabi mong walang problema, wala kang bibigyan ng solusyon.”
“Kaya importante na ‘pag merong sitwasyon ay tanggapin natin kung ano ang sitwasyon at hanapan natin ng lunas,” pahayag ni Jay Sonza, Political Commentator.