Jayke Joson inireklamo ng Cyber-Libel at Cyber-Bullying si Annabelle Rama sa NBI

Jayke Joson inireklamo ng Cyber-Libel at Cyber-Bullying si Annabelle Rama sa NBI

INIREKLAMO ni Jayke Joson ng Cyber Libel at Cyber Bullying si Annabelle Rama sa National Bureau of Investigation (NBI).

Tumungo sa National Bureu of Investigation ang dating aide ni Manny Pacquiao na si Jayke Joson upang maghain ng reklamong Cyber libel at Cyber bullying laban sa prodyuser na si Annabelle Rama.

Matapos na tinawag na magnanakaw ay dumulog sa NBI si Jayke Joson para pormal na magreklamo laban sa prodyuser.

Sa labing-anim na pahinamg dokumento, kasama si Atty. Larry Gadon ay inereklamo ni Joson si Rama ng cyber libel at cyber bullying.

Sa social media account ni Annabelle Rama ay tinawag na dakilang alalay si Joson.

Inakusahan din ni Rama na nagnakaw ng 140 million pesos si Joson at ang talent manager na si Arnold Vegafria kay Manny Pacquiao.

Ang mga post ni Rama ay nagtrending sa social media at lumabas din sa telebisyon.

‘’Ito ay inihain namin ang demandang ito upang turuan ng leksyon ang mga nakikialam at nakikisawsaw na wala naman talagang nalalaman sa buod ng kwento,’’ayon kay Atty. Larry Gadon.

Ayon kay Joson labis niyang ikinagulat ang mga sinabi at akusasyon ni Annabelle Rama dahil hindi naman sila magkakilala bukod sa panghihingi ni Rama ng ticket tuwing may boxing match ni Pacquiao.

‘’Kaming dalawa ni  Manny Pacquiao ang nag-uusap for 17 years ngayon papasok ka sa picture, wala pa atang isang minuto noong napanood mo ang aming rebelasyon ngayon ay parang kilala mo na ako at alam mo na ang buong storya sa aming dalawa ni Sen. Paquiao?,’’ayon kay Jayke Joson.

Tiwala ang kampo ni Joson na matibay ang kanilang ebidensya sa kasong libel laban kay Annabelle Rama dahil nanggaling ito mismo sa kanyang social media accounts.

Sa panig naman ng NBI ay sinabi nito na kanilang iimbestigahan ang reklamo at sabay linaw na wala silang ibibigay na special treatment.

‘’Para makapag explain ano man ang saloobin nya ay mag issue tayo ng subpoena sa lalong madaling panahon,’’ayon kay Emeterio Donggalo JR. Chief, NBI-Special Action Unit.

Sakaling mapatunayan ng NBI ang reklamong cyberl libel at cyber bullying laban kay Annabel Rama ay pormal na itong i-aakyat ng kampo ni Joson sa korte.

SMNI NEWS