Jeffrey de Luna ng billiards, maglalaro sa 12th World Games ngayong Agosto

Jeffrey de Luna ng billiards, maglalaro sa 12th World Games ngayong Agosto

MAKAKAPAGLARO sa 12th World Games ngayong Agosto sa Chengdu, China si Jeffrey de Luna ng billiards.

Sa isang social media post, tinawagan aniya siya ng Philippine Olympic Committee (POC) para ipagbigay-alam sa kaniya na ang huling dalawang foreign stints nito ang naging rason para makapasok siya sa World Games.

Ang tinutukoy na events ay ang WPA Asian 10-Ball Championship at World 10-Ball Cup sa Qatar noong nakaraang taon kung saan nakakuha ng dalawang bronze medals si De Luna dito.

Maliban kay De Luna, maglalaro din para sa Pilipinas si Rubilen Amit ng billiards at ang kickboxer na si Hergie Bacyadan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble