Jennica Garcia, umaming maraming pinag-dadaan ngayong 2021; nagpapasalamat sa pangungumusta ng fans sa kanya

Jennica Garcia, umaming maraming pinag-dadaan ngayong 2021; nagpapasalamat sa pangungumusta ng fans sa kanya

NAGPAPASALAMAT ang actress na si Jennica Garcia sa fans nya na nangungumusta sa kanya.

Ayon kay Jennica, malaking bagay aniya ito sa kanya lalo na’t marami syang pinagdadaanan sa simula palang ng 2021.

Kwento ni Jennica, March palang ay nagsimula na syang humarap sa problema matapos magkalabuan sila ng kanyang asawa na si Alwyn Uytingco at namatay rin ang kanyang lola dahil sa COVID-19.

Abril din na magka-COVID ang buong pamilya nila.

Buwan din ng may nang pumanaw ang isang malapit nyang kaibigan at dito na rin tuluyan na silang maghiwalay ni Alwyn.

Sa ngayon naman ayon kay Jennica, bagama’t nag-aadjust pa sya, alam nya namang makaahon din sya sa kanyang mga kinakaharap.

 

SMNI NEWS