Jennie at Lisa ng Blackpink, nasa line-up ng Coachella 2025

Jennie at Lisa ng Blackpink, nasa line-up ng Coachella 2025

NASA line-up ng Coachella 2025 ang Blackpink members na sina Jennie at Lisa!

Iyon nga lang, bilang solo artists ang kanilang pagdalo at magkahiwalay pa ang araw ng kanilang performances.

Sa schedule, Abril 13 at 20 ang performance ni Jennie habang si Lisa ay Abril 11 at 18.

Kung mapapansin, ito na muli ang pagbabalik nina Jennie at Lisa sa Coachella stage.

Matatandaang noong 2023 ang huli nilang performance sa nabanggit na music festival ngunit bilang Blackpink kung saan kasama ang dalawang iba pang kapwa members na sina Rose at Jisoo.

Sa kabilang banda, ang Korean boy group na Enhypen ay kasama rin sa Coachella 2025 at sa April 12 at 19 ang kanilang schedule kung saan kasabay nila dito ang rock band na Greenday.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble