Jennie ng Blackpink, makatatanggap ng parangal sa Women in Music Awards ng Billboard

Jennie ng Blackpink, makatatanggap ng parangal sa Women in Music Awards ng Billboard

MAKATATANGGAP si Jennie ng Blackpink ng Global Force Award sa nalalapit na Women in Music Awards ng Billboard.

Ito ay bilang pagkilala sa kaniyang matagumpay na pagsisimula ng solo career.

Siya rin ang kauna-unahang Korean soloist na mabibigyan ng naturang parangal, na dati nang iginawad sa K-Pop girl groups tulad ng Twice at Newjeans.

Magaganap naman ang Billboard Women in Music 2025 sa Los Angeles sa March 29.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble