MAKATATANGGAP si Jennie ng BLACKPINK ng prestihiyosong Global Force Award sa nalalapit na Women in Music Awards ng Billboard.
Ito ay bilang pagkilala sa kaniyang matagumpay na pagsisimula ng solo career. Siya rin ang kauna-unahang Korean soloist na mabibigyan ng naturang parangal, na dati nang iginawad sa K-pop girl groups tulad ng TWICE at NewJeans.
Samantala, matatandaang si Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo ay ginawaran ng parehong award noong 2024.
Follow SMNI News on Rumble