PINAGHIHINALAAN ng fans ngayon na magkakaroon ng appearance sa Marvel movie na “Deadpool & Wolverine” ang main rapper ng Blackpink na si Jennie!
Nag-ugat ito sa lumalaganap sa social media na umano’y credit leak ng pelikula.
Kung matitingnan, makikita rito ang “Jennie Blackpink” para sa Korean Deadpool nito na role.
Bagamat mayroong excited sa posibleng appearance ay marami rin ang nagsasabi na peke ang credit leak dahil “Jennie Ruby Jane” ang acting name ni Jennie gaya na lang sa credits sa drama series na “The Idol”.
Kaugnay rito, ang K-pop boy group na Stray Kids ay muntikan na ring magkaroon ng appearance sa nabanggit na Marvel movie.
Ayon kay Ryan Reynolds, marami ang factors kung bakit hindi ito natuloy gaya na lang ng Hollywood strike at conflict sa schedules.
Bagamat hindi tuloy ang appearance ay kasama naman ang kantang “Slash” ng grupo sa official soundtrack ng “Deadpool & Wolverine”.
Ang “Deadpool & Wolverine” ay makikita na sa sinehan ngayong Hulyo 26.