MAGKAKAROON ng comeback sa Hulyo ang Korean-Dutch-Canadian na soloist na si Jeon Somi.
Sa isang post nitong Hunyo 20, 2025, isang black and white na larawan ang ibinahagi ng singer.
Batay sa caption, ang panibagong kanta ay isang single na may pamagat na ‘Extra’.
Magiging available naman ito sa Hulyo 7, 2025.
Ito na ang muling music release ni Somi simula sa kaniyang single na ‘Ice Cream’ noong Agosto 2, 2024.