Jericho Rosales, inaming ikinalungkot ang pagsarado ng kanyang barbershop

Jericho Rosales, inaming ikinalungkot ang pagsarado ng kanyang barbershop

INAMIN ng aktor na si Jericho Rosales na ikinalungkot niya ang pagsarado ng kanyang barbershop business at ang pagtanggal ng mga empleyado nito.

Matatandaang ang pagmamay-aring  Talas Manileño ni Jericho ay tuluyan ng nitong sinarado  noong October 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa aktor, masakit para sa kanya ang bigyan ng huling pasahod ang kanyang mga empleyado at mamaalam.

Ibinahagi naman ni Jerecho na binigyan niya ng ilang barbering equipments mula sa shop ang kanyang mga empleyado na makakatulong sakaling plano ng mga itong magkaroon ng pagkakakitaan.

“Wala, e, it is what it is. You can just do everything to help them and to give them a start”.

“I did as simple as giving them clippers, and, you know, barbering equipment so that they can do home service, sa bahay nila, parang ganun,” pahayag ng aktor.

July 2015 nang unang binuksan ni Jericho ang Talas Manileño sa Cubao Expo, Quezon City at sya ring nagsilbing Sunday tambayan ng aktor.

“But it was sad to say goodbye to my tambayan. It was the one place where I can go on a Sunday and, you know, have a drink, have a haircut, relax. Now, I cut my own hair, yeah,” ani Jerecho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @jerichorosalesofficial

SMNI NEWS