Jericho Rosales, nominado bilang best actor sa Los Angeles Film Festival

Jericho Rosales, nominado bilang best actor sa Los Angeles Film Festival

NOMINADO si Jericho Rosales bilang best actor sa News Film Makers sa Los Angeles (NMFLA).

Masayang ibinahagi ng aktor na si Jericho Rosales na nakuha niya ang nominasyon para sa Best Actor sa 10th Annual Awards ng NFMLA para sa kanyang pagganap sa short film na pinamagatang “Basurero”.

Nominado si Echo sa ilalim ng Performance Drama Category laban sa siyam na iba pang nominadong artist.

Nominado rin ang nasabing pelikula sa International Drama Category.

Umani ng papuri at paghanga ang aktor mula sa kanyang mga tagahanga, pamilya, kaibigan at mga kakilala sa showbiz.

Ipinalabas ang “Basurero” noong 2019 na idinirek ni Eileen Cabiling, kung saan hango ang kwento sa isang mangingisdang Pilipino na desperado sa pera na bumaling sa pagtatapon ng mga bangkay sa dagat para sa mga vigilante.

Ang NFMLA ay isang nonprofit organization na sumusuporta sa mga umuusbong na filmmaker at artist sa pamamagitan ng monthly series ng screenings at events sa Los Angeles.

Follow SMNI NEWS in Twitter