CONFIDENT si Jerwin Ancajas na tuloy na tuloy na ang kanilang magiging laban ni Takuma Inoue ngayong Pebrero 2024.
Sinabi ni Ancajas na ang kanilang magiging boxing match ay para sa World Boxing Association (WBA) Bantamweight Championship at target niyang maiuwi ang panalo mula rito para sa Pilipinas.
Nakatakda sana ang laban nina Ancajas at Takuma Inoue noong Nobyembre 15 subalit nasaktan ng Japanese boxer ang kaniyang ribs habang isinasagawa ang training.
Ito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang laban.
Si Takuma Inoue ay nakababatang kapatid ni undisputed pound-for-pound fighter Naoya Inoue ng Japan.