Jerwin Ancajas, may boxing match para sa Bantamweight Division sa 2023

Jerwin Ancajas, may boxing match para sa Bantamweight Division sa 2023

NAKATAKDANG makakalaban ni dating World Champion Jerwin Ancajas para sa Bantamweight Division si Songsaeng Phoyaem ng Thailand sa February 12, 2023.

Idaraos ito sa Imus City, Cavite.

Nauna nang sinabi ni Ancajas noong nakaraang buwan na ang kanyang magiging susunod na boxing fight ay idaraos dito sa Pilipinas.

Samantala, kung matatandaan, natalo ng Argentinian na si IBF World Super Flyweight Champion Fernando Martinez si Ancajas sa kanilang unang laban noong Pebrero ngayong taon.

Natalo rin ito muli sa kanilang rematch nitong October 8.

Follow SMNI NEWS in Twitter