NAGAWANG depensahan ng Filipino International Boxing Federation (IBF) Super Flyweight Champion na si Jerwin Ancajas ang titulo, matapos nitong talunin ang Mexicanong challenger na si Jonathan Rodriguez.
Pinabagsak ni Ancajas si Rodriguez sa Round 8, ang kauna unahang knock down ng Mexican fighter sa kanyang career sa boxing.
Umabot hanggang 12 rounds ang laban pero matagumpay pa ring nakuha ng bente nuwebe anyos na si Ancajas ang desisyon ng tatlong hurado na nagtala ng 115-112, 116-111 at 117-110.
Mas pinatindi ngayon ni Ancajas ang kanyang record na 33-1-2 win-loss-draw at mayroong 22 knockouts at nadepensahan ang titulo bilang IBF junior bantamweight ng siyam na beses na.
Si Rodriguez ay nagpapatunay na isang mahirap na kalaban para kay Ancajas dahil ang Mexicano ay hindi nagpakita ng mga palatandaan na tumigil na kahit na-outbox siya ng Filipino fighter nang maaga sa laban.
“For me, this is the toughest defense,”
“I’m also shocked that he got knocked down, because Rodriguez is tough,” pahayag ni Ancajas.
Ginanap ang bakbakang Ancajas vs Rodriguez sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville Connecticut kahapon, Abril a-onse.
Kahit sa kabila na hinaharap na pandemya simula noong 2020, dahilan upang hindi natuloy ang laban kay Rodriguez.
“Our sacrifice is worth it,” ani Ancajas.