TULOY na ang magiging laban ni Jerwin Ancajas at ng nakababatang kapatid ni Naoya Inoue na si Takuma Inoue.
Sa anunsiyo, ngayong Pebrero 24, 2024 sa Kokugikan Arena, Ryogoku, Tokyo isasagawa ang boxing match ng dalawa.
Nakatakda sana ang 12-round na laban nina Ancajas at Inoue noong Nobyembre 25, 2023 subalit hindi ito natuloy dahil nagkaroon ng fracture sa left rib ang Japanese boxer sa isa sa kaniyang training sessions.
Maglalaban ang dalawa para sa WBA bantamweight belt ng nakababatang Inoue.