INAASAHANG magiging busy ngayong taon ang jet ski team ng Pilipinas.
Ito’y matapos lumahok sila sa Waterjet World Grand Prix sa Thailand noong nakaraan at nakakuha ng ilang medals.
Ayon sa kanilang coach na si 2023 Southeast Asian Games Bronze Medalist B.J. Ang, malaki naman ang kaniyang tiwala sa National Jet Ski Team.
Nilinaw niya lang na may sapat na skills ang mga Pilipino ngunit kinulang lang sa teknolohiya.
Sa kabila nito, binigyang-diin ng coach na hindi ito hadlang para makamit ng national team ang tagumpay.
Sa Disyembre 2025 ay sasali ang jet ski team sa 33rd Sea Games sa Thailand.