NANALO ng gold medal sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa DOHA, Qatar ang 15-years old na si Jhodie Peralta.
Sa kaniyang 55-kilogram division, 184 kilos ang naging total lift ni Peralta.
Ang katunggali naman niya mula India ay may total lift na 182 kilos habang ang contender mula Vietnam ay may 178 kilos.
Isinagawa ang event noong Disyembre 21, 2024.