Jin ng BTS ilalabas na this May ang kaniyang second EP

Jin ng BTS ilalabas na this May ang kaniyang second EP

MAGBABALIK si Jin ng BTS sa Mayo with his newest extended play na “Echo”.

Ito ang inanunsiyo ng kaniyang agency na BigHit Music ngayong Martes.

Gusto din umano ng singer na mailabas na agad ang kaniyang album dahil sa kagustuhan na madalas makita ang mga fans.

Ang Echo ay tungkol sa iba’t ibang kuwento ng bawat tao, pati na ang bawat pagkakataon na dumarating sa buhay ng bawat isa—magkakaiba man ay sumasalamin pa rin ang mga pangyayari sa bawat isa.

Laman ng album ang pitong kanta na may rock rounds katulad ng “Happy,” na debut extended play ng South Korean singer noong November 15, 2024 mula sa BigHit Music.

Magkakaroon naman ng isang promotional video ang album sa K-Pop Square Media in COEX, Southern Seoul kung saan ipapalabas ang video nito mula Martes hanggang Sabado.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble