Sen. Jinggoy, pinapurihan si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo para sa world champion gold

Sen. Jinggoy, pinapurihan si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo para sa world champion gold

INIHAIN ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang Senate Resolution Number 379 bilang pagkilala at pagbati sa pinakabagong tagumpay ng kauna-unahang Olympic gold medalist sa bansa na si Hidilyn Diaz-Naranjo. matapos maging world champion sa larangan ng weightlifting.

Si Hidilyn ay nag-uwi ng tatlong gintong medalya at itinanghal na world champion sa women’s 55-kilogram category sa 2022 International Weightlifting Federation (IWF) World Weightlifting Championships na isinasagawa sa Bogota, Colombia.

“Patuloy na nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa si Diaz at patunay nito ay ang kanyang kahanga-hangang performance sa world arena. Ang kanyang pinakahuling tagumpay ay nararapat na papurihan ng Senado,” pahayag ni Senator Jinggoy.

Ani Estrada, patuloy na nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa si Diaz at patunay nito ay ang kanyang kahanga-hangang performance sa world arena.

Aniya, ang kanyang pinakahuling tagumpay ay nararapat na papurihan ng Senado.

“Ang kanyang pinakahuling tagumpay bilang world champion matapos siyang humakot ng gintong medalya mula sa mga pangunahing major weightlifting tournament sa kanyang propesyonal na karera na kinabibilangang ng Olympic gold noong 2021, isang gintong medalya sa Asian Games gold medal noong 2018 at dalawang gintong medalya sa Southeast Asian (SEA) Games noong 2019 at 2022,” saad ng senador.

Ayon pa sa senador, si Diaz ay isang katangi-tanging Pilipino na nagpapakita ng pagiging magandang halimbawa sa pagkakaroon ng disiplina, tiyaga, sportsmanship, at pagpupursige sa kahusayan na dapat tularan ng kapwa Pilipino at ng nakababatang henerasyon.

Ang komendasyon ni Estrada na paggawad ng Senado ng pagkilala ay ikalawa para kay Diaz sa loob ng mahigit isang taon lamang.

Nauna nang binigyan si Diaz ng Philippine Senate Medal of Excellence sa pamamagitan ng Resolution No. 121 na pinagtigbay noong Setyembre 1, 2021 matapos siyang gumawa ng kasaysayan bilang pinakaunang Pilipino na nakapag-uwi ng gintong medalya sa Olympics nang manguna siya sa women’s 55-kilogram weightlifting category sa Tokyo Olympics.

Ang 31-anyos na Olympian at sports icon ay nangibabaw sa women’s 55-kg division ng IWF World Championships at kumopo ng tatlong gintong medalya noong Disyembre 8.

Matapos manalo sa IWF world lifting championships, susunod na target naman ng manlalaro ay ang 2024 Paris Olympics.

Follow SMNI News on Twitter