INANUNSYO na ni Supreme Court Associate Justice Marivic Leonen ang chairperson ng 2020-2021 Committee on Bar Exams ang resulta ng nagdaang Bar Examinations kung saan kabilang ang Jose Maria College Foundation, College of Law, na nakapagtala ng 100 percent passing rate sa mga first time bar takers nito.
Dahil dito, nasa dalawampu’t anim na mga Bar examinees—ang na-iproduce ng pioneering lawyers ng Jose Maria College Foundation, College of Law.
Bukod pa rito ay nakapagtala rin ng apat na exemplary bar takers ang JMC, kung saan nakapagtala ito ng average na 85% pataas na passing score.
Kabilang naman sa mga pumasa sa Bar exam ay ang dalawang scholars ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy na sina Kathleen Kaye Laurente at Eunice Ambrocio.
Kabilang ang Jose Maria College Foundation College of Law sa Group 3 ng mga Law Schools na may 11-50 bar takers, at pito sa 61 law schools na ito ang may passing grade na 100% para sa mga first-time taker.
Bukod sa JMC College of Law ay kasali rin dito ang Ateneo de Naga, Bulacan State University, Mariano Marcos State University, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Silliman University at University of Asia and the Pacific.
Samantala, pinaabot din ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, ang founding chairman ng Jose Maria College ang kanyang pagbati sa mga bagong abogado na mula mismo sa kanyang paaralan.