ISANG thanksgiving and victory dinner ang idinaos ng Jose Maria College Foundation Incorporated (JMCFI) College of Medicine, bilang pagdiriwang sa katagumpayan ng institusyon at ng mga pioneering licensed doctors nito na pumasa sa nakalipas na October 2024 Physicians Licensure Examination (PLE).
Bukod sa pagdiriwang ng kanilang katagumpayan, ang nasabing pagtitipon ay bilang pagkilala na rin ng kanilang mga sakripisyo, pagsisikap at pagpupursigi ng mga estudyante at maging ng institusyon sa harap ng mga hamon na nakaharap nito.
“Ngayon gabi, ipinagdiriwang natin ang testimonial dinner para sa mga bagong lisensyadong mga doktor ng Jose Maria College Foundation Inc.—College of Medicine, at matapos ang limang taon, nakapag-produce na tayo ng bagong henerasyon ng mga doktor. Naniniwala ako na isa sa mga pananaw at layunin ni Pastor Apollo Quiboloy ay ang makapaglikha ng mga doktor para sa mga Pilipino dito sa Mindanao, para sa Mindanao, at syempre, para sa mga malalayong lugar ng ating bansa,” pahayag ni Dr. Nestor Arce Jr., Dean, College of Medicine, JMCFI.
Ibinahagi rin ng mga pumasa ang kanilang mga naging karanasan sa Board Exam at kung paano hinubog ng JMCFI ang kanilang angking kakayahan upang maging isang ganap na doktor na may puso at malasakit.
“Ang nakalipas na Physician Licensure Exam, sa tingin ko, ay ang pinakamahirap na bahagi ng aking buhay dahil dalawang buwan lang kami nagkaroon ng panahon para maghanda. Sa loob ng dalawang buwan na iyon, lahat kami ay nag-aral ng hanggang hatingabi, siguro mga 16 na oras ng pag-aaral. Talaga pong matindi iyon.”
“Sa awa ng Diyos, sa tingin ko, Siya ang sumagot sa mga tanong na iyon na naging dahilan upang pumasa ako sa pagsusulit,” saad ni Dr. Neil Harold D. Fernandez, Gift of Education Scholar, JMCFI College of Medicine.
“Talagang naging mahalaga ang JMCFI sa paghubog sa akin bilang isang doktor, dahil isa sa mga magagandang bagay sa JMCFI, bilang isa sa mga pioneer, nagkaroon kami ng pagkakataong hubugin ang kultura sa loob ng medical school. Dito sa JMCFI, sa unang araw pa lang, sinabi na nila na yun ang aming layunin—na nais namin kayo’y maging mga doktor na may malasakit, hindi lamang teknikal o teoretikal na may kaalaman, kundi isang tao na kapag may pasyente na may sakit o may karamdaman na lalapit sa iyo, sasabihin nilang, ‘May sakit ako, pero okay lang, dahil nandyan ang taong ito para sa akin,” wika ni Dr. Eleu Czar Dela Victoria Juguilon, Gift of Education Scholar, JMCFI College of Medicine.
“Ang Jose Maria College Foundation Incorporated – College of Medicine ay humubog sa akin upang maging isang maawain at mapagkalingang doktor.”
“Sa loob ng apat na taon ng pag-aaral sa medisina dito sa Jose Maria College of Medicine, tiwala ako na ako ay isang doktor na may malasakit,” ani Dr. Fatima S. Carcueva, JMCFI.
Matatandaang nagtala ang JMCFI College of Medicine ng 26 na passers mula sa 39 na first time takers ng PLE na katumbas ng 66.67 na over-all passing rate, na mas mataas sa national pass rate na 58.27%.
Samantala, nagbigay rin ng kaniyang pagbati at mensahe sa mga bagong doctor, o doctors with a heart, ang JMCFI Founding President na si Pastor Apollo C. Quiboloy.
“Mula sa kumakatawan ng JMCFI at sa akin, bilang inyong Founding President, ay nagagalak na ang kauna-unahang batch ng mga medical students ng JMCFI na binubuo ng 26 na mag-aaral, ay matagumpay na nakapagtapos at nakarating na sa tuktok ng tagumpay bilang mga ganap na doktor. Ang bawat isa sa inyo ay isang patunay ng kalidad ng edukasyon ng JMCFI bilang isa sa mga nangungunang kolehiyo sa buong bansa.”
“Iyon po ang aking pangarap maraming taon na ang nakalipas—ang magkaroon ng sarili nating abot-kayang at de-kalidad na institusyon ng edukasyon dito mismo sa Mindanao, at ang Davao bilang ating pangunahing lungsod, upang hindi na kayo kailangan pang pumunta sa Maynila para matupad ang inyong mga pangarap. At ngayon, hindi na ito pangarap, kundi isa nang realidad.”
“Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik sa integridad ng JMCFI. Sa mga bagong doktor, kayo po ang magiging mga JMCFI Ambassadors of Goodwill. Gawin ninyong malusog ang pangangatawan ng buong mamamayan. Ito po ang inyong layunin. Ito po ang inyong misyon. Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Makapangyarihang Ama.
Muli, binabati ko kayo,” inyong Founding President, Pastor Apollo C. Quiboloy
Pastor Apollo C. Quiboloy pinasalamatan sa hangarin nitong makapag produce ng mga doktor na may puso at malasakit para sa bayan
Kaya bilang pagpapasalamat sa kabutihan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ipinapaabot ng mga bagong JMCFI doctors, lalong-lalo na ang mga scholar ng institusyon sa ilalim ng Gift of Education Program at maging ng kanilang magulang ang taos-pusong paghanga sa tulong at suporta na kanilang natanggap mula sa butihing pastor.
“Sa Founding President ng JMCFI, Rev. Pastor Apollo C. Quiboloy, nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat sa iyong kabutihang-loob at sa pagkakataon na ibinigay mo sa amin sa pamamagitan ng iyong biyaya sa pamamagitan ng Gift of Education Program. Sa tulong ng scholarship, natamo ko ang aking mga pangarap at sa mga pangarap mo, iyon din ang aking pangarap—ang makatulong sa ibang tao. Ngayon, ang mga pangarap na iyon ay naisakatuparan na,” ayon kay Dr. Neil Harold D. Fernandez, Gift of Education Scholar, JMCFI College of Medicine.
“Kay Pastor Apollo C. Quiboloy, ako’y labis na nagpapasalamat at nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat para sa kanyang kahanga-hangang pananaw na magkaroon ng isang medical school dito sa Mindanao. Dahil sa kanya, kami ay naging mga doktor na may malasakit, at naniniwala ako na ito ay dahil sa kanyang hangarin na magkaroon ng mas maraming doktor dito sa Mindanao. Kami ay labis na nagpapasalamat, at ngayon ay panahon na namin upang magbalik sa komunidad,” Dr. Fatima S. Carcueva, JMCFI College of Medicine.
“Maraming salamat po talaga, JMCFI. Pastor Apollo C. Quiboloy, maraming salamat po sa inisyatibong magtayo ng College of Medicine noong 2019. Napakamatagumpay ng unang batch ng College of Medicine,” ayon kay Dr. Praire Joy P. Seniel, JMCFI College of Medicine.
“Kay Pastor Apollo C. Quiboloy, tiyak na mayroon kang napakatatag at napakagandang pananaw para sa hinaharap. Ipinagmamalaki namin na kami ang kauna-unahang binigyan ng pagkakataon na isakatuparan ang iyong misyon at pananaw para sa hinaharap,” ayon kay Dr. Raniel Paul T. Villamor, JMCFI College of Medicine.
“At kay Pastor Quiboloy, maraming salamat po sa inyong pananaw na magtatag ng isang College of Medicine. Ang pangarap na iyon ay naging pangarap din namin at magkasama po nating nakamtan ang tagumpay,” ayon kay Dr. Rhea Mae B. Resurreccion, JMCFI College of Medicine.
“Pastor, maraming salamat po sa pagkakataong ibinigay ninyo sa akin. Alam ng Diyos na wala akong sapat na pinansyal na kakayahan upang maging isang doktor, na kung ano ako ngayon. Nagpapasalamat po ako sa inyong kabutihang-loob na pinayagan ninyo akong makapag-avail ng scholarship sa pamamagitan ng inyong biyaya. Maraming salamat po sa pagtatag ng medical school sa JMCFI. Salamat din po sa pananaw na inyong itinanim sa paaralang ito, na tunay ngang iba ang JMCFI Med School kumpara sa ibang medical schools sa Mindanao,” ayon kay Dr. Eleu Czar Dela Victoria Juguilon, Gift of Education Scholar, JMCFI College of Medicine.
“Walang sapat na salita upang ilarawan ang nararamdaman ko. Ang puso ko ay puno ng papuri at pasasalamat sa Diyos. Ang puso ko ay puno ng pasasalamat sa mga taong sumuporta—sa JMCFI, kay Pastor Quiboloy–maraming salamat po sa pagtitiwala sa aking anak. Maraming salamat rin po, Panginoon, sa pagpapala sa aking anak at sa pag-pabor sa kanya upang pumasa sa board exams,” saad ni Mrs. Chona Beth Dela Victoria Juguilon, Parent.
“At kay Pastor Quiboloy, nais naming magpasalamat sa inyong suporta sa loob ng maraming taon. Labis po kaming natutuwa na kami ay bahagi ng pagtupad ng inyong vision na ilang taon na ang nakalipas—ang magtaguyod ng mga doktor para sa Mindanao, magtaguyod ng mga doktor para sa Davao City. Sisikapin po naming magbigay ng aming pinakamahusay upang ipagpatuloy ang inyong mga pangarap at pananaw at ang pagtupad ng inyong mga pangarap. Maraming salamat po sa suporta at nawa’y magtagumpay po kayo!,” ani Dr. Nestor Arce Jr., Dean, College of Medicine, JMCFI
Samantala, mas lalo pang palalakasin ng JMCFI ang programa ng College of Medicine upang makapag produce pa ng mga bagong doctor na may puso at may malasakit para sa mamamayan.