JN.1, naging pinaka-dominant na COVID-19 strain sa Thailand

JN.1, naging pinaka-dominant na COVID-19 strain sa Thailand

ANG JN.1 ay isa sa pinakanakahahawang strain ng Omicron variant ng COVID-19 na mabilis na kumakalat ilang buwan matapos na una itong maitala sa Thailand.

Ang unang kaso ng nasabing strain ay unang naitala sa Bangkok noong Oktubre 28.

Ayon sa mga eksperto, mabilis na makatanggap at makaiwas ang nakahahawang strain na ito sa mga antibodies kumpara sa mga nauna pang strain ng COVID-19.

Inaasahan naman na magiging pinaka-dominant na strain ito sa Thailand simula noong Disyembre.

Ang JN.1 ang pinakakaraniwang strain na matatagpuan sa Estados Unidos ayon sa datos ng Centers for Disease Control and Prevention.

Ito’y kumalat na rin sa 41 bansa at ikinukunsiderang variant of interest ng World Health Organization (WHO).

Ang pagtaas ng kaso ng nakahahawang strain sa Thailand ay kasunod ng paglalabas ng babala ng mga doktor sa mga buntis na sumailalim sa pagsusuri kasunod ng lumalalang kaso ng Zika virus.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble