DAHIL sa tuluy-tuloy ang programa ng lokal ng pamahalaan ng lungsod ng Quezon ng Job Fair Service Caravan na ibinababa sa 142 barangay, marami ang nabigyan ng trabaho at permit sa pagnenegosyo.
Muli na naman aarangkada ang services caravan sa District 4, ang Quezon City Public Employment Service Office, sa pakikipagtulungan ni Coun. Egay Yap, ay magsasagawa ng Job Fair Activity kasama ang iba’t ibang kompanya at manpower agencies upang magbigay ng trabaho sa mga QCitizen.
Magpunta lamang bukas ng umaga sa Basketball Court ng Jacinto St., Brgy. Doña Aurora sa October 14, 2022 (Biyernes) mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, magdala ng resume at iba pang requirements.