INIHAHANDA na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang job fair para sa mga Pilipinong manggagawa na naapektuhan ng pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) o Internet Gaming Licensees (IGLs).
Ayon kay DOLE Bureau of Local Employment Director Patrick Patriwirawan Jr., mayroong 70 na mga kompanya na participating employers, na interesadong makilahok at mag-alok ng mga bakanteng trabaho sa nasabing job fair na gagawin sa Oktubre.
Kabilang sa mga uri ng trabaho na iaalok ay mula sa mga industriya ng BPO, IT company, tourism-related companies, general services at wholesale and retail industries.
Hinikayat naman ng DOLE ang mga jobseeker na magrehistro para sa natakdang job fair sa susunod na buwan.
Mayroong online registration kung saan kahit patapos na ang job fair, maaari pa rin nilang bisitahin ang kanilang applications o mag-submit pa ng mga aplikasyon sa mga employer sa pamamagitan ng online platform na philjobnet.gov.ph.