Job fair para sa Greater Bay Area ng gobyerno ng Hong Kong, umaakit sa mga mamamayan at mga kabataan.
Handang sumubok na magtrabaho ang mga kabataan ng Hong Kong sa Greater Bay Area sa Mainland China.
Upang hikayatin ang mga kabataan na magtrabaho at ituloy ang karera sa mga lungsod ng Greater Bay Area, naglunsad ang Hong Kong Special Administrative Region Government ng “Greater Bay Area Youth Employment Program”.
Gaganapin ang “Greater Bay Area Youth Employment Program Recruitment Expo” para sa dalawang magkakasunod na araw sa ika-23 at ika-24. “.
Ayon sa SAR Government News Network, ang recruitment expo ay gaganapin online sa ika-23 at ika-24 sa interactive employment service website ng Labor Department.
Daang daang mga tao ang dumating sa job fair na nag aalok na magtrabaho sa Greater Bay Area at naaakit sa mga oportunidad sa Mainland China.
Ang mga karapat-dapat na naghahanap ng trabaho ay kailangan lamang magparehistro nang maaga, at pagkatapos ay maaari silang magsumite ng mga application ng trabaho online sa mga kalahok na ahensya. ito ay walang bayad.
Ayon sa Labor Department ang dalawang araw na Greater Bay Area Youth Employment Scheme Job Expo sa Macpherson Stadium sa Mongkok na nag bukas noong ika-20 ng Mayo ay nakakuha ng halos 330 na mga bisita.
Tinatarget nito ang mga residente ng Hong Kong na nakakuha ng bachelors degree o higit pa sa loob man o labas ng SAR sa pagitan ng 2019 at ngayong taon, nag aalok din ito ng buwanang sweldo na hindi kukulangin sa 18,000 Hong Kong dollars.
Ayon naman sa senior marketing ng mission hills resort na si Jacky Leung Kwok-Pang nakatanggap siya ng 80 aplikasyon mula mismo sa nasabing job fair at 40 naman sa online.
Nag aalok ang resort ng 50 posisyon sa pag asang hikayatin ang mga kabataan na magtrabaho at ituloy ang karera sa mga lungsod ng Greater Bay Area.
Ang Greater Bay Area ay tumutukoy sa pamamaraan ng gobyerno ng China na maiugnay ang 9 na lungsod at 2 espesyal na administratibong rehiyon sa South China para sa integrated economic and business hub.
(BASAHIN: Hong Kong Disneyland, muling isasara sa ikatlong pagkakataon)