Jodi Sta. Maria, kinaaliwan ng netizen sa pag-ampon sa isang kuting

Jodi Sta. Maria, kinaaliwan ng netizen sa pag-ampon sa isang kuting

KINAALIWAN ng mga netizen ang ginawang pag-ampon ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa isang kuting o pusa.

Sa kanyang Tweet, nakita niya ang pusa sa airport na sa tingin nito ay parang humihingi ng tulong sa mga tao para ito’y pakainin.

Ayon sa aktres, kawawa aniya ang pusa dahil nababangga ng cart ng mga pasahero at basa drin aniya ito.

Ibinahagi rin ni Jodi na ipinangalan nito ang pangalan ng airport na NAIA dahil doon niya ito napulot.

 

Follow SMNI News on Twitter