Joel Embiid, nanguna para sa 108-100 win ng Philadelphia 76ers kontra Chicago Bulls

Joel Embiid, nanguna para sa 108-100 win ng Philadelphia 76ers kontra Chicago Bulls

NANGUNA ang Cameroonian-American na si Joel Embiid para sa Philadelphia 76ers upang maipanalo ang game nila nitong Linggo, Disyembre 8 kontra Chicago Bulls sa iskor na 108-100.

Nag-ambag si Embiid ng 31 points, 12 rebounds, 4 assists at 2 blocked shots sa kaniyang comeback matapos hindi naglaro ng pitong games para sa 76ers dahil sa natamong left knee injury at iba pang rason.

Maliban kay Embiid, nag-ambag din si Tyrese Maxey para sa 76ers ng 25 points, 14 assists, at 11 rebounds.

Sa panig ng Chicago Bulls, 30 points ang ambag ni Zach Lavine.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble