ITINANGHAL bilang Most Valuable Player (MVP) ng NBA si Joel Embiid ng Philadelphia 76ers.
Ito’y dahil sa naging performance nito ngayong regular season kung saan nakakuha si Embiid ng average 33.1 points, 10.2 rebounds, at 4.2 assists.
Kasama sa nanomina para itanghal bilang MVP sina Nikola Jokic ng Denver Nuggets at Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.
Ayon kay Embiid, pagsusumikap lang ang pinakasusi para makuha ang naturang award.