Johor border ng Malaysia, nakaalerto dahil sa kaso ng monkeypox sa Singapore

Johor border ng Malaysia, nakaalerto dahil sa kaso ng monkeypox sa Singapore

NAKAALERTO ang Malaysia Immigration Department sa Johor dahil sa ulat ng kaso ng monkeypox sa Singapore.

Nitong Hunyo 20, kinumpirma ng Singapore ang isang imported case ng monkeypox sa isang 42 taong gulang na Briton na isang flight attendant.

Ayon kay State Health and Unity Committee Chairman Ling Tian Soon, nakaalerto ang mga Immigration officer sa mga papasok sa bansa at pinag-iingat sa mga indibidwal na may mga sintomas.

Bukod  sa Immigration Department, nakasubaybay rin ang Health Ministry sa health status ng mga manlalakbay sa pamamagitan ng mysejahtera app.

Dagdag pa ni Ling, ang mga manlalakbay na walang sintomas ay kinakailangang buksan ang mysejahtera app at punan ang ilang katanungan tungkol sa health condition ng mga ito sa loob ng 14 na araw.

Samantala, sinabi ni Ling na makikipag-ugnayan ang State Health Department sa Health Ministry ng Singapore upang makakuha ng karagdagang impormasyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter