Joint Task Force Katalugan, nagsagawa ng pagpupulong upang tugunan ang insurhensiya

Joint Task Force Katalugan, nagsagawa ng pagpupulong upang tugunan ang insurhensiya

ISANG pagpupulong ang ginawa ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) IV-A sa pamamagitan ng Joint Task Force Katalugan (JTFC).

Layon na nasabing pagpupulong na talakayin ang mga hakbangin upang matapos ang insurhensiya sa rehiyon.

Kasali sa naturang face-to-face meeting ang mga Advisers to the Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS), mga Co-Vice Chairpersons, Head Secretariats, at mga pangulo ng 12 heads clusters/lines of efforts.

At ito ay pinangunahan ni Asec. Jose Dominic Clavano IV ng Department of Justice (DOJ).

Kabilang sa mga napag-usapan ay ang komprehensibong pagtalakay sa mga naging katagumpayan at mga pagsubok na kinakaharap nitong nagdaang buwan, ipinakilala rin sa mga dumalo ang bagong action plan at ang patutunguhan ng bawat cluster sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang nasasakupan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble