SISIMULAN na sa susunod na linggo ng South Korea at US troops ang kanilang annual military drills.
Bilang tugon ito sa banta na natatanggap ng Seoul mula sa North Korea.
Posibleng magiging sanhi naman ito upang magalit ang Pyongyang lalo pa’t hindi ito pabor na magkaroon ng joint training ang Estados Unidos at SoKor.
Samantala, sa nakalipas na mga buwan ay nagsagawa ang NoKor ng ilang missile tests sa Korean Peninsula.