Jolina, nagdulot ng pagbaha sa Zapote, Las Piñas

Jolina, nagdulot ng pagbaha sa Zapote, Las Piñas

HALOS buong araw ang naging pag-ulan sa Metro Manila at sa tuwing magkakaganito, isa ang Las Piñas sa karaniwang nakakaranas ng pagbaha.

Dahil sa sunud-sunod sa pagbuhos ng malalakas na ulan na tumama na iba’t ibang bahagi ng bansa maraming mga lugar na ang naapektuhan lalo na sa mga bahaing bahagi ng Metro Manila.

Isa na dito ang Las Piñas sa mga nakuhang larawan ng ilang netizen, maraming motorista ang nahirapang pumasok sa Zapote Road dahil sa halos baywang na taas ng tubig baha.

Batay sa impormasyon ng Las Piñas LGU, madalas bahain ang lugar ng Zapote sa tuwing may pagbuhos ng malakas na ulan o bagyo sa bansa.

Nakita din ang pag-apaw ng Zapote River na nagdulot ng mas malalim na tubig baha sa lugar.

Wala namang naiulat na nasaktan sa epekto ng Bagyong Jolina.

Sa paglabas ng bagyo,  isang panibagong sama ng panahon ang muling papasok sa bansa na tatawaging Bagyong Kiko.

Kaugnay nito, bagamat napaghahandaan naman  ng mga taga Las Piñas ang mga pangyayari, kinalulungkot pa rin nito ang sitwasyon dahil sa kasalukuyan pa ring pagtama ng pandemiya sa bansa.

Lalong naapektuhan ang maliliit na negosyo ng karamihan dahil sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng ulan.

Nauna nang sinabi na magiging super typhoon category ito, ngunit sa ngayon ay nakikita pa lamang ng PAGASA na mananatili ito sa typhoon category kung saan ay tinutumbok dito ang Northern Luzon.

Patuloy ang alerto na ipinaabot ng pamunuan ng NDRRMC sa publiko na maging mapagmatyag sa mga posibleng mangyari gaya ng pagbaha at pagguho ng lupa habang pinag- aaralan pa ang kilos at direksiyon ng nasabing sama ng panahon.

SMNI NEWS