SINAMPAHAN ng kaso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Joma Sison at tatlo pang matataas na opisyal ng New People’s Army (NPA).
Kabilang sa mga opisyal ng NPA ang mga commander na sina Rey dela Peña, Joel Caliwliw, at Redsa Balatan.
Ito ay matapos ang pagrerecruit ng mga ito sa mga menor de edad na kalaunan ay inaabuso.
Ayon kay CIDG Director Major General Albert Ignatius Ferro, lumabag sina Sison at Redsa Balatan sa Republic Act 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 at Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Bukod dito, nakapatong naman ang dalawang kaso ng rape kay Dela Peña habang apat na kaso naman ng rape kay Caliwliw.
Sa ngayon nananatiling nasa Netherlands si Sison habang nakakulong si Balatan sa Nueva Ecija Provincial Jail, Caalibangbangan, Cabanatuan City; si Dela Peña naman sa Bambang Police Station, Bambang, Nueva Vizcaya, habang si Caliwliw naman ay sa BJMP Provincial Jail, Solano, Nueva Vizcaya.