PANIBAGONG head coach ng Brooklyn Nets si Jordi Fernandez.
Papalitan ni Fernandez si Interim Coach Kevin Ollie.
Si Fernandez kung matatandaan ang naging susi para makakuha ng bronze medal ang Canada mula sa World Cup noong nakaraang taon.
Mula dito, umaasa ang Nets na sa ilalim ni Fernandez ay muli nang makapasok sa playoffs ang koponan matapos ang 12 taon.
Bagamat head coach rin ng Nets ay magsisilbi pa rin itong coach ng Canada para sa 2024 Paris Olympics.