MAY paalala ang Pinoy Christmas Icon na si Jose Mari Chan ngayong Kapaskuhan.
Sa isang meet-and-greet event na ginanap nitong Disyembre 13, 2023 ay sinabi ng singer na huwag kalimutang hanapin ang kasiyahan araw-araw.
Ito aniya ang tanging susi upang malabanan ang laganap na negativity sa paligid.
Kasabay nito ay sinabi na rin ng Pinoy Icon na “wish” niya ngayong Pasko ang magkaroon na ng kapayapaan at pagkakaisa sa mundo.
Aniya pa, sa pamamagitan ng kaniyang mga kantang “A Perfect Christmas”, “A Wish on Christmas Night”, at “Christmas in our Hearts”, nais niyang iparating na ang paghilom ng mga sugat at pagpapahalaga sa kahit gaano man kaliit na mga bagay ang totoong mensahe ng Pasko.