Jose Maria College, isa sa mga Top Law School sa 2022 Bar Exams

Jose Maria College, isa sa mga Top Law School sa 2022 Bar Exams

ISA sa mga Top Law School ang Jose Maria College na pag-aari ng The Kingdom of Jesus Christ sa 2022 Bar Examinations.

Lumabas na ang resulta ng 2022 Bar Exams kung saan halos wala pa sa kalahati ang pumasa sa pagsusulit.

Mula sa mahigit 9 na libong kumuha ng exam noong November 2022 ay 3,992 lang ang nakapasa.

Katumbas ito ng 43. 47 percent na passing rate.

Malayo ito sa 72.28 percent passing rate noong 2021 Bar Exams.

Pero mas mataas naman ito sa passing rate sa mga taon bago ang 2021.

Sa Top 10 Bar Passers, nakuha ng University of the Philippines (UP) ang first place hanggang 5th place.

Sa mga law school na may mahigit 100 takers, nanguna ang San Beda sa may pinakamataas na porsiyento ng Bar passers na nakakuha ng 97.58 percent.

Ang Jose Maria College na pag-aari ng The Kingdom of Jesus Christ ay isa rin sa mga nag-stand out sa Bar Exams.

Sa mga Law School na may 51-100 takers, Top 3 ang JMC sa Bar.

Sa Supreme Court Grounds, alas-7 pa lamang ng umaga ay may mga naghihintay na para sa paglalabas ng resulta ng Bar.

Nagtiis sa init at ulan habang naghihintay ng resulta.

Lagpas ala-una nang inanunsyo ng Korte Suprema ang resulta.

At puro hiyawan at emosyon ang naging kasunod nito.

Ang mga magulang ng mga pumasa, hindi mapigilan ang pag-iyak matapos maipasa ng kanilang mga anak ang Bar.

Ang 1st taker na si Honey Grace emosyonal din na hindi makapaniwala na nakapasa ito sa Bar.

Hindi aniya madali ang magreview habang nagtatrabaho.

Si Christine, emosyonal din matapos maipasa ang exam.

Aniya, ayaw niyang mapagdaanan ulit ang stress na naranasan niya habang nagrereview.

Ang oathtaking ng mga pumasa ay isasagawa sa May 2 sa PICC, 10 am.

Follow SMNI NEWS in Twitter