TINIYAK ng Pinoy martial artist na si Joshua Pacio na “physically, mentally, at spiritually” 100% ready na ito sa magiging rematch nila ni Jarred Brooks ng Estados Unidos.
Kasabay ito ng kaniyang pag-amin na sa unang match nila noong Disyembre 2022 sa Mall of Asia Arena, Pasay ay hindi siya gaanong handa kung kaya’t nakuha mula sa kaniya ang One Strawweight World Title.
Ngayon, tiniyak ni Pacio na babawi siya.
Ang magiging laban nila ni Pacio at Brooks ay gaganapin ngayong Marso 1 sa Lusail Sports Arena sa Qatar.